Minsan kailangan mo din siyang pakawalan, hindi dahil ayaw mo na, kundi dahil ito yung DAPAT gawin.
Isa sa mga masasakit na desisyon ay yung pakawalan yung taong naging isang malaking parte ng buhay mo. Yung taong mahal na mahal mo, at ayaw mo sana siyang mawala sa’yo, pero KAILANGAN. Ang sakit di ba? Lalo na kapag ito yung KAILANGAN mong gawin, kahit gusto mo pang ipagpatuloy, hindi na pwede kasi dapat mo na siyang pakawalan, hindi dahil sa hindi mo na siya mahal, kundi dahil sa ayaw mo na siyang saktan. Yun yung masakit e, hindi dahil sa napagod ka na, kundi dahil ito yung DAPAT. Yung taong inakala mo na makakasama mo sa harap ng altar, wala na. Papalayain mo na siya, hindi dahil ayaw mo na, kundi para sa ikasasaya niya.